Pacman pinarangalan sa Las Vegas Walk of Fame

ISANG linggo pa bago ang inaabangang main event sa pagitan nina 8-division world champion Manny Pacquiao at “Sugar” Shane Mosley, ginawaran ngayon ng parangal ang Filipino ring icon sa tinaguriang “Las Vegas Walk of Fame.”

Ang pagkilala ay iginagawad sa mga business performers, athletes, literary writers at mga civic at humanitarian leaders na may malaking impact at tulong sa lungsod.

Si Pacquiao ang kauna-unahang Filipino na nabigyan ng “star” sa kahabaan ng Sahara at Russell Avenues sa sentro mismo ng Las Vegas