280 patay sa pagsalanta ng bagyo, buhawi sa America

TINATAYANG 280 katao na ang naitatalang nasawi makaraang salantain ng bagyo at buhawi sa South America.

Nabatid na sinalanta ng naturang bagyo ang anim na estado ng America kung saan marami ang naapektuhan sa Albama.

Inihayag ni Alabama Gov. Robert Bentley na umaabot sa 194 ang patay sa kaniyang estado.

May naitala namang 33 patay sa Mississippi, 33 sa Tennesse, 14 sa Georgia, lima sa Virginia at isa sa Kentucky.

Kaugnay nito, tutungo ng Alabama si US President Barack Obama upang matingnan ang pinsala na iniwan ng sama ng panahon.