Jievah About and Me Our story

Jieva About Evangelista

Nagsimula ang lahat sa eskwela, dahil sa kagustuhan kong makatapos sa pag aaral noong June 6, 2010 nagpasya ulit akong mag- aral kahit paulit ulit na lang ako.  Tulad ng isang karaniwang eskwelahan at studyante makaka kilala ka ng mga kaibigan at mga taong makakasama mo sa araw-araw .Mga taong ordinaryo at special para sa iyo, at dito nagsimula ang kwento. Noong unang araw ko syang nakita hawak ang mga papel at pabalikbalik sa Admin office suot ang jeans at PE uniform ng eskwelahan , habang nakaupo ako sa silya sa labas na naghihintay kunwari. Isa syang student assistant o Nagtatrabaho sa school para  wala ng bayad sa tuition at iyon ang isang katangian hinahangaan ko sa kanya.  Noong una pa lang matagal ko na syang nakikita pero hindi ko na papansin dahil sa akala ko magkaiba ang aming mundo at takbo ng pag-iisip. Namumutawi  ang ngitti sa kanya mga mata noong araw na iyon. Tulad ng mga taong nakilala ko at mga taong naging kaibigan ko hindi ako nagkamali sa nararamdaman ko na magiging magkaibigan kami.  Magaan ang loob ko sa kanya at para bang matagal na kaming magkakilala sa maikling panahon.  Nakita ko na sa kanya ang mga katangian gusto ko sa isang kaibigan, masayahin at palabiro. Hindi ko narin napansin sa paglipas ng panahon na nagkakasama kami at nagkikita sa sa loob ng eskwelahan nagiging bukas na ako sa kanya at ganun din naman sya sa akin.  Marami ang nagsasabi mysterious daw akong tao at weirdo dahil siguro hindi ako open sa kanila. Pero sa kanya ko lang yata na iikwento ang mga kasaysayan ng aking buhay at kung saan ako nagmula, mga pakikibaka, mga problema sa pamilya at pera.    

  Maaga akong pumapasok sa school, hindi dahil ayaw kong malate sa klase o dahil malapit lang ang bahay ko , dahil gusto ko lang sya makausap at magkakwentohan kami, tumawa at magkulitan bago magsimula ang klase.  Para sa akin masarap syang kausap kasi comfortable ako at alam ko, hindi nya ako huhusgahan kung sino ako, nakaka tawa ako ng malakas sa harap nya kahit isa sya Binibini . Ewan ko kung bakit, siguro pareho kaming abnormal “Mga Kurtina Award”,  At sa kanya ko din unang sinabi ang tunay kong apelyedo na hindi ko gingamit, dahil sa mabantot at may kahawig na character,Escoobidooo!

Kahit hindi ko pa sya lubos na nakikilala sapat na sa akin na pahalagahan sya, sa totoo pa nga may pagkakahawig pa kami ng life experience. At birthday,

Ngunit tulad nga ng isang tagpo sa telenovela may hello at may good bye. Huling taon ko na noong sa ekwelehan iyon, litong lito ang isip ko kung doon ko ba tatapusin ang lahat, at nag pasya ako, pagpapasya na hinid ko pinagsisihan dahil alam ko may patutunguhan ako maganda man o hindi, basta hahayaan ko lang na nakabukas ang aking layag para pag humihip ulit ang hangin aabante ako at tuloy sa paglalakbay sa buhay.

Kahit hindi na kami madalas magkita bukas paring ang aming kuminikasyon at pag may panahon ako magkikita muli  kami, tatawa at magkukwentuhan ng buhay buhay

Hindi ko malilimutan ang  lahat na iyon. Sabi ko sa sarili ko mahirap makahap ng kaibigan sa ngayon na pwede mong pagkitawalaan lalo na dito sa Maynila. Totoo yon mahirap nga, kaya ng makilala ko sya sabi ko sa sarili ko I will love this person and I will treasure this for rest of mylife.

   Ngayon alam ko na kung bakit hinayaan ako ng hangin na mapadpad sa bandang iyon kasi may isla at taong kailangan kong makilala… AT IKAW YON… JIEVA ABOUT