500,000 TRABAHO BUBUKSAN SA MAYO UNO

MAHIGIT sa kalahating milyon trabaho mula sa mga pribadong kompanya at mga tanggapan ng gobyerno ang naghihintay na pagkakataon para sa mga walang hanapbuhay sa pagdaraos ng Labor Day sa Mayo 1.

Ito ang nilalalaman ng Memorandum na ipinadala ng Department of Labor and Industry (DoLE) kay Pangulong Benigno S. Aquino III hinggil sa mga idaraos na programa ng ahensya sa paggunita sa araw ng paggawa.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, mayroong kabuuang 648,000 na trabaho ang naghihintay sa mga nagbabakasakali na makahanap ng trabaho sa darating na araw ng Linggo.

Base sa isinumiteng Memorandum, mayroong 1,000 kompanya ang nangangailangan ng 80,000 hanggang 100,000 manggagawa sa loob at labas ng bansa habang 548,00 trabaho naman ang bubuksan sa ilalim ng programa ng gobyerno na Community Based Employment Program (CBEP).

Ani Baldoz, kabilang sa mga trabaho na hinahanap ng mga pribadong kompanya ay nasa linya ng konstruksyon, transportasyon, edukasyon, pangkalusugan, hotel and restaurant, mga manggagawa sa insdustriya ng retail at wholesale trade at marami pang iba.

Kumpiyansa si Baldoz na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga trabaho na nakalaan sa mga manggagawa bago sumapit ang Lbor Day dahil sa mayroon pang mga ahensya ng gobyerno na ngayon pa lamang nagsusumite ng kanilang ulat sa CBEP Inter-Agency Committee na pinamumunuan ng DoLE. Axel Sam.

Remate.ph