Orlando, Atlanta tabla sa playoff

Remate.ph
TABLA na ang Orlando Magic at Atlanta Hawks, 1-1, sa best-of-seven, 1st round playoff series matapos magwagi ang Orlando sa Game 2, 88-82.

Tinupad ng Orlando ang kanilang pangako na babawi sa Game 2 sa pamamagitan ng 33 points at 19 rebounds ni MVP candidate Dwight Howard.

Ito ay sa kabila ng paglaro ni Josh Smith, na nagkaroon ng injury sa siko, at nanguna para sa Atlanta sa pamamagitan ng 17 points, 6 rebounds at 3 assists.

Naging mas mahigpit ang ginawang depensa ng Orlando sa mga shooters ng Atlanta kung kaya’t nakuha nila ang panalo.

Ang Game 3 ay ngayong Sabado sa home court ng Atlanta. Girlie Raoet