Ringside ticket sa Pacquiao-Mosley fight sumirit sa P.8M isa

Remate.ph
SUMIRIT na sa $18,000 o P775,000 ang ringside ticket na may presyo lang na $1000 o P43,250 para sa WBO world welterweight title fight ni 8-division world champion Manny Pacquiao at 5-time world champion Sugar Shane Mosley sa Mayo 8 sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Top Rank promoter Bob Arum, ubos na ang ticket sa Pacquiao-Mosley fight at tanging sa black market o mga scalper na lamang ang nagsasabing mayroon pa silang hawak na ticket.

We don’t have tickets in our hands right now. Of course, there are still countless tickets available – in the black market.” Pahayag pa ni Arum.

Nang unang ilabas ng Top Rank ang ticket para sa nasabing laban, halos maubos agad ito sa loob ng tatlong oras, kung saan ayon sa pahayag ni Arum, halos 3,000 na lamang ang natitira dito.

Ang MGM Grand Garden Arena ay may seating capacity na 17,000 at ayon pa kay Arum, ang ringside ay siguradong mapupuno ng mga VIP mula sa mundo ng sports, entertainment at politics, kung saan isang dating US president ang interesado umanong manood ng laban. Girlie Raoet