Heart Evangelista, kayamanan bago dyug sa lalaki sabi ng ama

Remate.ph
KINABAHAN ang tatay ni Heart Evangelista sa sobrang pagkahumaling ng anak kay Daniel Matsunaga. Payo ng kanyang ama, maging administrator muna siya ng lahat ng kikitain ni Heart. Ang kikitain ni Heart ay mapupunta sa investments. Kabilang dito ang pagpapatayo raw ng apartments na pawang nasa pangalan ni Heart.

Sa ngayon ay natapos na ni Heart ang buong taping niya sa “Dwarfina.” Last Saturday ay tinapos lahat ni Heart ang kanyang commitments sa show na balitang tatakbo pa ng three weeks sa ere.

Ngayo’y nagbalik na si Heart sa pagiging dwende, sumunod naman si Dennis Trillo bilang si Lyndon para tumulong sa pakikipaglaban sa kaharian ni Heart sa ilalim ng lupa.

oOo

Bea Binene nag-iilusyong sobra magka-gold sa wushu, keri kaya?

PINAGHAHANDAAN nang husto ni Bea Binene ang kanyang gagawing championship tournament sa martial arts na wushu sa darating na Mayo.

Eh, matagal na niyang pina-practice ang paghawak ng swords sa wushu dahil sa gagampanang role sa “Captain Barbell.”

Ang huling championship na sinalihan ni Bea ay nag-uwi siya ng bronze medal. Target naman ni Bea ngayon na makamtan ang gold.

Sa pagsisikap ni Bea sa Wushu, di nakapagtataka na maging young female action star siya ng bansa. Kita naman ninyo ang performance niya sa “Captain Barbell.”

oOo

Kris Bernal may P100,000 na branded bag at P 1.4M na kotse

SA pagsisikap ni Kris Bernal na matamo ang kasikatang inabot niya ngayon sa showbiz, nirelaguhan niya ang kanyang sarili ng brand new van, ang bagong Mitsubishi Montero van worth P1.4 million.

Noon pa naman ay mahilig nang mag-ipon ng mamahaling gamit si Kris. Tulad ng bags na pawang signature na nagkakahalaga ng ng P100,000.

Samantala, humihirit naman si Kris Bernal na di raw totoong mag-on na sila ni Jay Perillo. Eh, kahit saan naman kami magpunta sa taping ng mga show nina Kris at Jay nakikita namin silang magkasama.

Tulad sa “Comedy Bar,” aba, may time na nakita namin si Kris doon. Si Jay ang lead singer ng 6 Foot Long Band na regular cast ng programa nina Eugene Domingo, Fabio Ide at Allan K.

oOo

Rufa Mae Quinto, Lovi Poe pang-promo lang ng Brazillianong bulol

“FANTASTIC woman, super sweet at funny,” iyan ang mga kataga ni Fabio Ide kay Ruffa Mae Quinto nang makausap namin sa set ng “Dwarfina.” Super-kulit at masayang kasama raw si Rufa Mae kaya enjoy si Fabio sa kanya.

Pati ang issue kay Lovi Poe, hanggang paghanga lang siya sa dalaga. Wala siyang balak manligaw kay Lovi dahil di pa rin ready si Lovi na magpaligaw sa ngayon. Kaya patas lang silang dalawa.

Magkasama sina Rufa Mae at Lovi sa “Temptatiion Island” na movie ng Regal at GMA Films.

oOo

Carla Abellana nakipagkainan kay Geoff Eigenmann

INAMIN ni Carla Abellana na paborito niyang ipagluto ng pasta si Geoff Eigenmann kapag dumadalaw ito sa kanilang bahay sa Quezon City. Iba’t ibang lutong pasta ang ginagawa ni Carla para sa kanyang boyfriend. Lagi silang nagkikita ngayon ni Geoff dahil sa taping ng “Magic Palayok.”

Dahil super-sweet sina Carla at Geoff, akala nang marami ay magpapakasal na rin sila, total nasa marrying age na sila. Pero, sinabi ni Carla ay mag-aasawa siya kapag nasa-30s na siya.

Si Geoff naman ay hindi pa rin handa sa ngayon dahil busy siya sa trabaho. Noel Asinas