Bahay Ni Christian Baustista Nilooban

Nilooban ng mga magnanakaw ang tahanan ni Christian Bautista sa San Juan City kagabi, April 16, 2011.

Ayon sa manager ng singer na si Carlo Orosa, nangyari ang insidente habang nasa Iloilo ang kanyang talent.

Dugtong niya, “Gabi nangyari, and it seems umakyat from the third level terrace.”

Sa ngayon, kinumpirma nitong “may nawawalang pera.” Nai-report na rin sa pulisya ang nangyari at, “they are still investigating what else was stolen.”