Spring storm sa Amerika 21 patay

From: Remate.ph

DAHIL sa patuloy na paghagupit ng malakas na bagyo sa South America ay umakyat na sa 21 ang bilang ng namamatay doon.

Malakas na hangin ang dala ng nasabing bagyo dahilan para matumba ang ilang puno doon.

Nagkaroon na rin ilang pagbaha at may ulat na nagkaroon pa ng malakas na buhawi.

Kasama sa mga sinalanta ng malakas na spring storm na ito ay ang mga estado na Arkansas, Tennessee, Louisiana, Mississippi, North at South Carolina at Alabama.

Ito na ang itinuturing na pinakamalakas na bagyong humagupit sa spring season na ikinasawi ng maraming tao.

Ayon sa gobernador ng Arkansas na si Mike Beebe, ngayon pa lang siya nakaranas na ganito kalakas na bagyo para sa spring season.

Maliban sa pagbaha, may mga ulat din na nagsasabi na nakalikha ang naturang bagyo ng malakas na buhawi. Bineza Zapanta