LTO chief Torres Suspended

From REMATE.PH

MAGSISIMULAna sa Lunes bilang OIC ng Land Transportation Office (LTO)  ang legal counsel ng Department of Transportation and Communication (DOTC) na si  Usec. Raquel Desiderio.

Ito ang kinumpirma ni Transportation and Communication Secretary Dante Velasco kasunod ng 60 days suspension ni Land Transportaion Office (LTO) Chief Virginia Torres.

Sinabi ni Velasco sa ginanap na lingguhang forum na ang nasabing suspension ng opisyal ay bunsod na rin ng imbestigasyon ng Departmnent of Justice (DOJ) sa kinasasangkutang gulo nito sa Stradcom Company.

Ayon pa kay Velasco, hindi rin tiyak kung babalik pa si Torres sa dati niyang puwesto  sa oras na matapos ang itinakdang 60 days suspension nito sa Hunyo dahil maaari rin siyang palitan ng pangulo ng ibang opisyal.

“Baka ayaw na rin niya (Torres),kahit pa matapos ang kanyang suspension, malamang maghanap na ng kapalit niya kasi malapit nang mag-isang taon sa Hunyo si PNoy  baka maraming  pumasok  sa kanyang administrasyon at magkaroon ng re-shuffle”,ayon kay Velasco.

Samantala, tiniyak din ni Velasco na nakahanda na ang DOTC sa paggunita ng Semana Santa sa bansa, lahat umano ay nakakoordinasyon na para sa pagdagsa ng mga pasahero sa bus terminal, paliparan at mga pantalan.

Sinabi ni Velasco na maaaring maghain ng kanilang reklamo ang publiko sa DOTC hotline 7890 at sa cellphone number  0917-2470385- 09192227462. Jocelyn Tabangcura-Domenden