Aj Perez Dead in a car accident

My friend confirmed it. AJ Perez passed away due 2 a car accident.May mga kasama pa siya sa van nung naganap accident. Let’s pray right now.

Super nakakalungkot at nakaka-shock na balita ang bumulabog sa aming lahat ngayong oras na ito. According to reports from very reliable sources, namatay sa isang aksidente ang young actor na si AJ Perez. Galing siya sa isang show daw sa Dagupan nang mabangga sa truck at isang bus (according to initial reports : PARTAS) ang sinasakyan nila. 12:20am daw ang time of death ng young actor dahil sa multiple head injuries.
Si AJ Perez ay isa sa mga bago at sumisikat na young actors ng ABS-CBN, isa siya sa leading men ni Jessy Mendiola sa seryeng SABEL at member din siya sa boy group na Gigger Boys. Para sa iba pang detalye at saloobin ng mga kaibigan ng aktor, abangan ang The Buzz mamaya.

Actor AJ Perez patay sa road accident

NAMATAY ang batang aktor na si AJ Perez habang sugatan naman ang kasama nitong pasahero sa nirentahan nilang van makaraang maaksidente sa Tarlac bago maghatinggabi ng Linggo, Abril 17.

Ayon sa pulisya, kumpirmadong si Perez, 18, (Antonello Joseph Sarte Perez sa tunay na buhay) ang nasawi sa loob ng van nang makabangga nito ang isang pamsapeherong bus.

“Si AJ, nasa likod ng driver’s seat. Yan ang bahagi na may tama,” ayon kay Moncada police director Chief Inspector Augusto Pasamonte sa isang panayam sa dzBB.

Ayon pa sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dinala ang mga sugatan sa malapit na hospital ng bayan ng Moncada.

Nabatid na nasa kustodiya naman ngayon ng pulisya ang driver ng nakasalpukang bus.

“Ang Patras driver under custody na ng ating station,” dagdag pa ni Pasamonte.

Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at multiple physical ang naturang driver sa Lunes.

Idineklarang patay si Perez bandang 12:20 a.m. ng Linggo, dahil sa rami ng tinamong sugat.

Kasama ni Perez sa naturang van ang kanyang ama at security personnel.

Napag-alaman pa sa pinakahuling Twitter entries ni Perez na kagagaling lang niya sa isang show sa Dagupan City.

“On the way home already from Dagupan.Long drive ahead,” ayon sa kanyang pahayag sa kanyang Twitter. Marjorie Dacoro

Last Tweets