Teatro ng buhay

Ako’y hindi makata at hindi marunong tumula. Pero ako’s isang pinoy na lumaki sa kahirapan tulad mo – kaMukamo…

…may mga dinaanan na kahirapan, pighati, lungkot, gutom, at pasakit; naranasan ang sakit ng loob, nawalan ng tiwala sa mga kaibigan, kung minsan sa May Kapal at mahal sa buhay; ninakawan ng siyota at asawa, nawalan ng trabaho, hindi natapos ng kolehiyo, nawasak na magandang relasyon, nawala at nalito sa mundo dahil sa kabataan, nangarap ng magandang kinabukasan ngunit nagising sa kahirapan; naghangad ng sobrang ambisyon sa buhay at di naman natuklasan at makamtan.

Mga bagay sa buhay tulad mo…kaMUKAMO na dinanas ko, dinadanas nating lahat…lalu na ang mga katulad ng karamihang Pilipino upang maging maginhawa ang kanilang kabuhayan at kinabukasan…ito ay larawan ng buhay na naiilagay sa pamamagitan ng pagsulat kung ikaw ay nangangarap ng gising. Mangarap ka’t magising! Hindi totoo iyon, karamihan sa atin eh nangangarap ng gising!

Tawag dito ay guni-guni ngunit kapag natapos mong isulat ang mga ito…ito ay magiging likha mo, katha mo, istorya mo, mga bakas ng lumipas…malungkot o masaya man, masaklap o kay sarap isipin man ito ay magiging bahagi ng buhay mo, noon, kahapon, bukas at ngayon – “Mga Katha at Guni-guni mula sa bula!