Vice-Gov ng Cebu pumanaw

BINAWIAN na ng buhay ang bise-gobernador ng Cebu madaling araw ng Biyernes, Abril 29, matapos itong ma-confine sa Chong Hua Hospital.

Idineklarang patay ng mga doctor si Cebu Vice Governor Gregorio Greg Sanchez bandang 2:40 ng madaling-araw, sa edad na 58.

Ayon sa mga doctor, secondary pulmonary cardiac arrest to lungs ang dahilan ng pagkamaty nito.

Ilang taon na ring nakikipaglaban si Sanchez sa sakit nitong stage 4 lung cancer.

Kasalukuyang nakalagak ang labi ng opisyal sa Cosmopolitan Funeral Homes sa Nivel Hills, Lahug.

Remate.ph

About these ads